28 September 2025
Calbayog City
National

Halos 5 bilyong pisong Air Assets ni Cong. Zaldy Co at 500-million peso luxury cars ng mga sangkot sa Flood Control Anomalies, nais ipa-freeze ng DPWH

HINILING ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) na i-freeze ang halos limang bilyong assets na naka-rehistro sa mga kumpanyang may kaugnayan kay Ako Bicol Party-List Rep. Zaldy Co at sa kanyang kapatid na si Christopher Co.

Ito’y bilang bahagi ng mga hakbang ng pamahalaan upang mabawi ang umanoy Ill-Gotten Wealth ng mga personalidad na sangkot sa kontrobersyal na Flood Control Projects.

Sinabi ni DPWH Secretary Vince Dizon na nagsumite ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng listahan ng Air Assets na naka-rehistro sa Misibis Aviation & Development Corp., na pinamumunuan ng anak ni Zaldy Co na si Michael Ellis.

Umaabot sa kabuuang 74.650 million dollars ang halaga ng mga Aircraft na naka-rehistro sa Misibis Aviation, kabilang ang isang Gulfstream 350 na nagkakahalaga ng 36 million dollars at isang Agustawestland AW1399 na nagkakahalaga ng 16 million dollars. 

Samantala, ang Hi-Tone Construction and Development Corp. ni Christopher Co ay may kabuuang 7.940 million dollars ng Air Assets na naka-rehistro sa CAAP, kabilang ang isang Agusta A109E na nagkakahalaga ng 6.9 million dollars.

Samantala, hiniling din ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) na i-freeze ang halos kalahating bilyong pisong halaga ng mga mamahaling sasakyan ng mga personalidad na sangkot sa umano’y maanomalyang Flood Control Projects.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.