AABOT sa 2,980 personnel ang ide-deploy kada araw para matiyak ang seguridad sa Ati-Atihan Festival activities sa Kalibo, Aklan, simula sa Jan. 14 hanggang 18.
Ayon kay PNP Directorate for Operations’ Public Safety Division Chief, Police Colonel Julius Caesar Domingo, ang deployment ay binubuo ng mga pulis, sundalo, coast guards, at iba pang force multipliers.
ALSO READ:
Day of Mourning, idineklara ng Cebu City para sa mga biktima ng pagguho sa Binaliw landfill; death toll, umakyat na sa 20
DSWD, patuloy ang repacking ng food packs para sa mga pamilyang apektado ng Mt. Mayon
8 taong gulang bata, pinatay sa saksak sa San Pablo City sa Laguna
Bilang ng mga nasawi sa pagguho ng landfill sa Cebu City, umakyat na sa 6
Aniya, saklaw ng deployment ang festival highlights, gaya ng Sadsad Panaad Ati-Atihan Contest at ang Grand Procession.
Sinabi ni Domingo na ipatutupad ang police visibility, crowd management, traffic control, at rapid response measures.
Idinagdag ng opisyal na ang pinakamalaking konsentrasyon ng personnel ay sa Jan. 18.
