ARESTADO ang halos tatlunlibong aktibista matapos ang dalawang araw na protesta laban sa Dutch Government.
Ayon sa State Authorities, una nang nadakip ang nasa dalawanlibo at apatnaraang Climate Activist noong Sabado at nadagdagan pa ito noong linggo ng hindi bababa sa limandaang iba pa.
Paliwanag ng mga otoridad, hinarangan ng aabot sa sampunlibong demonstratdor ang A12 Highway hanggang sa The Hague, sa kabila ng kanilang sunud-sunod na paalala na huwag maging sagabal sa trapiko.
Samantala, nanindigan ang mga aktibista na hindi sila titigil sa pagpo-protesta hangga’t hindi humihinto ang Dutch Government sa paggamit ng public funds para ma-subsidize ang industriya ng langis at gas.