DALAWAMPU’T siyam na barko ng China ang dumaan sa iba’t ibang bahagi ng West Philippine Sea noong nakaraang buwan, ayon sa Philippine Navy.
Na-monitor ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang labinlimang Chinese Coast Guard Vessels at labing apat na People’s Liberation Army Navy Vessels na tumawid sa bisinidad ng Bajo De Masinloc, Sabina Shoal, Julian Felipe Reef, at Iroquois Reef.
DILG, kinumpirmang bigo ang 10 operasyon para mahanap si Atong Ang
40 importers at licensed brokers, kinasuhan ng paglabag sa Customs Modernization Tariff Act
DepEd, nilinaw na pinag-aaralan pa ang Trimester System
Pangulong Marcos, nakiisa sa pagdiriwang ng Chinese New Year; hinimok ang publiko na maging pursigido sa bawat aksyon
Sinabi ni Philippine Navy Spokesperson for West Philippine Sea, Rear Admiral Roy Vincent Trinidad na umaandar, at hindi naman stationary ang naturang chinese vessels.
Samantala, inihayag din ng navy na kabuuang 13,874 vessels ang na-monitor na dumaan sa buong kapuluan ng bansa simula Oct. 1 hanggang 31.
Sa naturang bilang, 11,097 ang foreign vessels habang 2,777 ang domestic vessels.
