KINUMPIRMA ng COMELEC na labinsiyam na katao ang nasawi sa mga karahasang may kaugnayan sa Barangay at Sangguniang Kabataang Elections (BSKE).
Ayon kay COMELEC Spokesperson John Rex Laudiangco, karamihan sa mga nasawi ay mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Karamihan din sa mga napatay ay mga supporter o kamag-anak ng mga kandidato.
Gayunpaman, mas mababa aniya ang bilang na ito kumpara sa halos isandaang nasawi noong 2018 Barangay at SK Elections.
Nakapagtala rin ang COMELEC ng labinsiyam na nasugatan bunsod ng karahasang may kinalaman sa halalan.