LABINSIYAM katao ang isinugod sa ospital makaraang sumabog ang isang drum na naglalaman ng Chlorine sa isang Resort sa Talisay City sa Cebu.
Ayon kay Mayor Gerald Anthony “Samsam” Gullas, batay sa inisyal na report mula sa Local Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMO), nangyari ang insidente sa Barangay Pooc.
Matapos umanong sumabog ang drum na may lamang Chlorine, nakaranas ang mga biktima ng pananakit ng ulo, paghapdi ng mata, hirap sa paghinga, at pagsusuka.
Inatasan na ng alkalde ang City Administrator na maglabas ng Cease-and-Desist Order laban sa pamunuan ng Alcoseba Resort habang hinihintay ang resulta ng imbestigasyon.




