HALOS sumampa na sa anim na bilyong piso ang halaga ng pinsalang iniwan ng mga Bagyong Kristine at Leon sa agrikultura.
Batay sa pinakahuling report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa mahigit 5.913 billion pesos ang halaga ng mga sinira ng dalawang nagdaang bagyo, na nakaapekto sa mahigit isandaan at labing isanlibong magsasaka at mangingisda.
Mahigit 7.450 billion pesos naman ang naitalang halaga ng pinsala ng mga nagdaang kalamidad sa imprastraktura.
Samantala, napako na sa isandaan at limampu ang bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng mga Bagyong Kristine at Leon habang dalawampung iba pa ang nawawala at isandaan apatnapu’t tatlo ang nasugatan.