NAGHAHANDA na ang Northern Samar Provincial Government para sa full operation ng Northern Samar Credit Surety Fund Cooperative (NSCSF Coop).
Ito ay para palawakin ang financial access para sa Micro, Small, and Medium-sized Enterprises (MSMEs) at mga kooperatiba sa probinsya.
Sa pamamagitan ng partnership ng Provincial Government, Land Bank of the Philippines (LBP), at walong kooperatiba, ilang buwang sumailalim ang NSCSF Coop sa organizational at regulatory groundwork upang matiyak ang legal at sustainable operation.
Naglagay ang kooperatiba ng official account sa LBP para magbigay ng secure at transparent financial channel para sa pangangasiwa ng contributions, protektahan ang kapital, at suportahan ang future transactions sa partner lending institutions.




