WELCOME sa Northern Samar Provincial Government ang desisyon ng Local Unit ng Singapore-Based Vena Energy na Gemini Wind Energy Corp. (GWEC), na mag-invest ng 20.2 billion pesos para sa pagtatayo ng 304-Megawatt Wind Farm sa lalawigan.
Ayon kay Jhon Allen Berbon, Head ng Provincial Economic Development and Investment Promotions Office (PEDIPO), ang naturang proyekto ay isang mahalagang hakbang patungo sa commitment ng bansa sa Renewable Energy at Sustainable Development.
Aniya, ang venture ay hindi lamang magbibigay ng clean energy kundi magsisilbi ring modelo para sa future energy projects sa buong bansa.
Ang Wind Farm ay matatagpuan sa border na saklaw ng San Isidro sa Northern Samar at Calbayog City sa Samar.