MAHIGIT isandaanlibo katao ang nagtungo sa Luneta Park at sa EDSA People Power Monument sa dalawang malalaking Rallies laban sa korapsyon, kahapon, sa gitna ng isinasagawang imbestigasyon sa maanomalyang Flood Control Projects.
Ayon sa Manila Disaster Risk Reduction and Management Office, na limampung libo ang nakiisa sa “Baha sa Luneta, Aksyon sa Korapsyon” Protest na inorganisa ng mga Progresibong Organisasyon.
Finger heart sign ni Sarah Discaya, itinuturing ng DOJ na kawalan ng sinseridad
Hearings ng ICI, hindi mapapanood sa livestream – Executive Director
Mahigit 1,300 mga silid-aralan, sinira ng bagyong Opong at ng Habagat – DepEd
26, napaulat na nasawi bunsod ng mga Bbagyong Mirasol, Nando, at Opong, at maging Habagat – NDRRMC
Sa EDSA at White Plains Avenue naman, tinaya ng organizers sa pitumpung libo ang nagtipon-tipon upang makiisa sa protesta laban sa katiwalian.
Bukod sa mga demonstrasyon sa Maynila at EDSA, nagkaroon din ng Anti-Corruption Rallies sa Cebu City, Bacolod, at Iloilo.
Sinabi ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na mapayapa ang Anti-Corruption Protests, maliban sa Mendiola kung saan may mga nasugatan at ilang indibidwal ang inaresto matapos mambato at inatake ang mga pulis.
Samantala, labimpito katao ang inaresto dahil sa umano’y paghahagis ng mga bato at pagsusunog ng mga gulong sa Kilos-Protesta laban sa korapsyon sa Mendiola, Maynila.
Ayon sa PNP, nasa kustodiya ng Manila Police District (MPD) ang mga dinakip na indibidwal.
Nakatanggap ang mga awtoridad ng Reports kaugnay ng tensyon, kabilang ang mga insidente ng pambabato at panununog ng trailer truck sa Ayala kanto ng Romualdez, kung saan nasa apatnaraang indibidwal ang nagtitipon-tipon.
Sinabi ng PNP na agad rumesponde ang mga bumbero at pulis upang makontrol ang sitwasyon.
Nagsimula ang kaguluhan nang silaban ng mga hindi nakilalang kabataang lalaki ang mga gulong sa harapan ng isang shipping container na iligay ng mga awtoridad para magsilbing harang sa mga raliyista.
May mga bote, pintura at bato pa umano na inihagis sa mga pulis na napilitang gamitin ang kanilang Riot Shields upang protektahan ang kanilang mga sarili mula sa mga lumilipad na Debris.