Kinumpirma ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na sumakay sila ng mga bangka sa pag-alis nila sa bansa.
Sa pagtatanong ni Senator Risa Hontiveros ay sinabi ni Guo na kabilang sa sinakyan nila ay isang yate galing sa pantalan sa Metro Manila.
ALSO READ:
VP Sara, pinarerebyu kay Ombudsman Remulla ang kanyang SALN
Report sa 105 million pesos na ‘Ghost’ Farm-to-Market Road Projects, isinumite na kay Pangulong Marcos – DA
Halos 71K na pamilya sa Davao Oriental, naapektuhan ng malakas na lindol; US, nagpadala ng tulong
Barko ng Pilipinas, binomba ng tubig at binangga ng China Coast Guard sa katubigan ng Pag-asa Island
Pero tumanggi si Guo na isapubliko ang pangalan ng mga taong tumulong sa kanila para makasakay ng yate gayundin ang kung sino ang may-ari nito.
Sa halip, paulit-ulit na sinabi ni Guo na nangangamba siya para sa kaniyang kaligtasan dahil sa death threats na kaniyang tinatanggap. Magugunitang sa pagharap sa senado ay inamin din ng kapatid ni Alice na si Shiela na nagpalipat-lipat sila ng bangka nang sila ay tumakas patungong Malaysia.