29.5 million pesos na halaga ng pinatuyong marijuana o kush ang nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) sa Manila International Container Port (MICP).
Sa statement, sinabi ng BOC na ang shipment ng balikbayan boxes, na dumating mula sa Thailand noong April 12, ay idineklarang naglalaman ng household items, mga sapatos, at motor parts.
Isinagawa ang inspeksyon sa shipment makaraang makatanggap ang mga otoridad ng “derogatory information” na nagtataglay ito ng illegal drugs.
Ayon kay Customs Commissioner Bienvenido Rubio, napapadalas nitong mga nakalipas na araw ang naturang modus, na gumagamit ng simbolo ng pamilyang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapadala ng balikbayan box.