GUMUHO ang tigil-putukan sa Gaza makaraang maglunsad ng malawakang pag-atake ang Israel, kasabay ng pangako ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na paiigtingin pa ang hakbang ng militar laban sa Hamas.
Nasa balag na ng alanganin ang ceasefire deal sa pagitan ng Israel at Hamas na ang phase one ay nagtapos dalawang linggo na ang nakalipas.
Inihayag ng military at security agency ng Israel na sa ngayon ay nagsasagawa sila ng mga pag-atake sa Hamas targets sa Gaza.
Bilang tugon ay inakusahan ng Hamas si Netanyahu ng pagbaliktad sa ceasefire agreement, at inilagay ang mga bihag sa Gaza sa panganib.
Ayon sa Palestinian Red Crescent, nasa walumpu’t anim ang nasawi habang isandaan tatlumpu’t apat ang nasugatan sa pinakabagong pag-atake ng Israel.