HINDI bababa sa dalawampu’t isa ang nasawi kasunod ng aksidente na kinasangkutan ng high-speed trains sa Southern Spain.
Ayon sa transport minister ng Spain, mahigit tatlumpung iba pa ang ginagamot sa ospital bunsod ng serious injuries.
ALSO READ:
Nangyari ang aksidente malapit sa bayan ng Adamuz, malapit sa Cordoba City, nang isang high-speed train na mula malaga patungong Madrid ang nadiskaril at tumawid sa kabilang riles.
Sumalpok ang nadiskaril na tren sa isa pang paparating na tren na galing naman sa Madrid patungong Huelva.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang sanhi ng aksidente.




