16 February 2026
Calbayog City
Province

Truck na may kargang highly flammable materials hindi pinayagang makasakay ng RoRo

HINARANG ng Philippine Coast Guard – Southern Tagalog ang isang wing van truck na isasakay dapat sa Batangas Port dahil sa mga hindi otorisado at delikadong karga nito.

Ayon sa Coast Guard, ang truck na patungo sana sa Caticlan ay may lulang walongdaang LPG tanks, dalawampung fire extinguishers at tatlumpu’t limang lata ng pintura at epoxy.

Sinabi ng Coast Guard na highly flammable ang mga karga ng truck at maaari itong magdulot ng maritime incident na delikado para sa mga pasahero at crew ng barko.

Agad na iniutos ng PCG na pababain sa RoRo ang truck.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).