TINUKURAN ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ang pagkakaloob ng kapangyarihan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para maibaba ang excise tax sa produktong petrolyo.
Kasunod ito ng pahayag ng pangulo na hihilingin niya sa Kongreso na gawaran siya ng kapangyarihan para maibaba o kaya naman ay suspendihin ang excise tax sa sandaling umabot sa mahigit 80 dollars per barrel ang presyo ng Dubai crude oil.
Naniniwala si Zubiri na malaking tulong ang naturang hakbang upang mabawasan ang epekto sa Pilipinas ng pagsirit ng presyo ng produktong petrolyo sa world market dahil sa gulo sa Middle East.
Dapat din aniyang mabilis na kumilos ang gobyerno upang hindi maapektuhan maging ang presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.




