TINAPOS ng Gilas Pilipinas Women’s Team ang kanilang 2026 FIBA 3X3 Asia Cup campaign sa pamamagitan ng makasaysayang silver medal.
Nag-second place ang Gilas Women sa continental tournament, matapos matalo sa nagkampeon na Australia, sa score na 18-9, sa Finals na ginanap sa OCBC Square sa Singapore.
ALSO READ:
Karl Eldrew Yulo, pasok sa Floor Exercise at Horizontal Bar Finals sa Cairo Leg ng Gymnastics World Cup
Ranking ni Alex Eala sa WTA, bumagsak sa No. 45
Olympic women’s sport, lilimitahan sa ‘biological females’
Manny Pacquiao, nagsimula nang mag-training, limang buwan bago ang rematch laban kay Floyd Mayweather JR.
Nagpamalas ng lakas ang Kangaroos para makuha ang 6-0 lead habang nahirapan ang Gilas Women na kapain ang kanilang mga galaw sa halfcourt.
Sa kabila ng pagkatalo, naging makasaysayan pa rin ang kampanya ng Gilas Women sa ipinakita nilang best performance ng Pilipinas at unang medalya sa FIBA 3X3 Asia Cup.
Ang nasungkit na medalya ngayong taon ay improvement mula sa fourth-place finish ng team noong 2025.
