Mahigit isandaan ang nasugatan bunsod ng mga paputok na karamihan ay iligal, sa gitna ng pagdiriwang sa pagsalubong sa bagong taon, ayon sa Department of Health (DOH).
Bunsod nito, lumobo na sa tatlundaan at apatnapu ang kabuuang bilang ng firecracker-related injuries, simula Dec. 22 hanggang Jan. 1, 2025.
Mas mababa ito ng 34 percent kumpara sa 519 cases na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Sa datos ng DOH, mula sa 340 cases, 141 ang naitala sa pagitan ng ala sais ng umaga ng Dec. 31, 2024 hanggang 5:59 am ng Jan. 1.
64 percent ito na mas mababa kumpara sa nai-record na mga kaso sa unang araw ng 2024.