24 August 2025
Calbayog City
National

P43 per kilo na MSRP sa bigas, mananatili sa kabila ng 2 buwan na Import Ban, ayon sa DA

PANANATILIHIN ng Department of Agriculture (DA) ang 43 pesos na Maximum Suggested Retail Price (MSRP) sa kada kilo ng imported na bigas, sa kabila ng ipatutupad na dalawang buwan na Ban sa pag-aangkat ng bigas, simula sa Setyembre.

Ito ang tiniyak ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., kasabay ng pagsasabi na mahigpit nilang babantayan ang supply at Market Dynamics, lalo na sa retailers, wholesalers, at importers.

Nagbabala rin si Tiu Laurel na magpapataw sila ng mga kaukulang aksyon upang mapagtibay ang disiplina sa merkado.

Una nang inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  ang implementasyon ng dalawang buwan na Import Ban sa bigas upang ma-stabilize ang lokal na presyo ng palay at maprotektahan ang mga magsasaka mula sa murang imported na bigas.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.