13 October 2025
Calbayog City
National

Grupo ng mga negosyante, nanawagan sa DTI na aprubahan ang matagal na nilang hiling na taas-presyo sa sardinas at tinapay

dti

Umapela ang food manufacturers at bakers sa Department of Trade and Industry (DTI) na aprubahan na ang matagal nang inihihirit na dagdag-presyo sa sardinas at tinapay, na itinuturing na pangunahing pagkain ng mga Pilipino.

Isinusulong ng Sardines Association of the Philippines ang hanggang tatlumpisong taas-presyo sa sardinas na nasa lata, na nasa dalawang taon na nilang inihihirit sa DTI.

Ayon sa grupo, nadagdagan na ang minimum na sweldo at taas-baba ang presyo ng gasolina, habang patuloy sa pagtaas ang presyo ng isda.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.