NAGLUNSAD ang Israeli Forces ng ground operations laban sa Hamas sa Gaza, na tinawag ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu bilang ikalawang bugso ng tatlong linggong giyera para durugin ang Palestinian Militant group.
Sa press conference sa Tel Aviv, tiniyak ni Netanyahu na bagaman limitado pa sa ngayon ang initial ground operations, ay wala silang aaksayahing hakbang para mapalaya ang mahigit dalawandaang bihag, kabilang na ang mga Amerikano at iba pang mga dayuhan.
Babala pa ng Israeli Prime Minister, nagsisimula pa lamang sila at asahang pupulbusin ang mga kalaban, above ground at below ground.
Hinigpitan ng Israel ang kanilang barikada at binomba ang gaza sa loob ng tatlong linggo kasunod ng pag-atake ng Hamas noong Oct. 7 na ikinasawi ng nasa isanlibo apatnaraang Israelis.