NAKABAWI ang Memphis Grizzlies mula sa nakapanlulumong opening quarter,para padapain ang bumisitang Indiana Pacers, sa score na 136-121, sa kanilang ika-anim na sunod na panalo.
Pitong players ng Grizzlies ang nakapagtala ng double figures sa pangunguna ni Jaren Jackson Jr. na may 25 points at 8 rebounds.
Nagdagdag naman si Ja Morant ng 19 points at game-high na 8 assists habang sina desmond bane at Marcus Smart at nag-ambag ng tig-16 points.
Nakapagtala naman ang Indiana ng 19 points at 8 rebounds mula kay Benedict Mathurin habang umiskor ng 17 points si Pascal Siakam; 16 points si Obi Toppin; at 15 points si TJ McConnell.
Nagtapos ang first quarter sa score na 45-38 pabor sa pacers, subalit hindi nagpabaya ang Memphis kaya nasungkit pa rin nila ang panalo.