IKINATUWA ni Samar 1st District Rep. Stephen James Tan ang desisyon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na unahin ang rehabilitasyon ng Maharlika Highway ngayong taon.
Sinabi ni Tan na matagal na itong hinihintay na tugon sa lumalalang kondisyon ng trapiko at economic bottlenecks sa lalawigan.
Mahigit 1,000 rice farmers sa Northern Samar, tumanggap ng ayuda sa gitna ng MABABANG farmgate prices
DOST, naglaan ng 600 million pesos para sa pagsusulong ng smart farming technologies
Rehabilitasyon sa Carigara Port sa Leyte, sinimulan na ng PPA
Tacloban journalist, hinatulan ng guilty sa terrorism financing
Idinagdag ng kongresista na ang humihinang estado ng highway sa mga nagdaang taon ay nakaaapekto sa mobility, road safety, at mabilis na pagbiyahe ng goods at services.
Sa statement, pinasalamatan ni Tan si DPWH Secretary Vince Dizon sa pagdinig sa matagal nang panawagan ng kanyang distrito hinggil sa rehabilitasyon ng Maharlika Highway.
Tiniyak naman ni Dizon na pabibilisin ng ahensya ang repair sa highway, partikular sa Samar at Northern Samar, na ang iba’t ibang bahagi ay nasira na bunsod ng ilang taong pagkaantala sa maintenance.
