MULING bubuksan ng Israel ang Rafah Crossing sa Gaza, sa bahagi ng Egypt para sa pagdaan lamang ng mga tao.
Ayon kay Prime Minister Benjamin Netanyahu, ito’y matapos makumpleto ang paghahanap sa katawan ng huling natitirang Israeli hostage sa Enclave.
Dapat ay bubuksan ang border sa initial phase ng plano ni US President Donald Trump na wakasan na ang digmaan, sa ilalim ng ceasefire noong Oktubre sa pagitan ng Israel at Hamas.
Gayunman, nagbigay ng kondisyon ang Israel na muling bubuksan ang border kapag ibinalik ng Hamas ang lahat ng buhay na hostages na kanilang hawak, pati na ang 100% effort na hanapin at ibalik ang katawan ng lahat ng nasawing bihag.




