KINUMPIRMA ng Taliban Government na inatake nila ang Pakistani Troops sa iba’t ibang bulubunduking lokasyon sa Northern Border.
Ayon sa Taliban spokesperson, limampu’t walong Pakistani Military Personnel ang napaslang sa tinawag nitong “Act of Retaliation.”
Kasabay ito ng paggiit na nilabag ng Pakistan ang Afghan Airspace at binomba ang isang pamilihan sa loob ng kanilang border.
Inihayag naman ng Interior minister ng Pakistan na si Mohsin Naqvi na inatake ng Afghanistan ang mga “Unprovoked” at pinagbabaril ang mga sibilyan.