2 January 2026
Calbayog City
National

Goitia: Hindi Kayang Burahin ng mga Kuwento ng Tsina ang Karapatan ng Pilipinas

LUMANG Mensahe, Ibinenta Bilang Bago

Ang pagtatangkang ipinta ng Tsina ang kontrol nito sa Scarborough Shoal bilang usapin ng “pangangalaga sa kalikasan” ay hindi nagbabago ng katotohanan.

Kahit balutin sa magagandang salita, hindi nito napapalitan ang batas, at lalong hindi nito nabubura ang karapatan ng Pilipinas na kinikilala ng kasaysayan at ng pandaigdigang batas.

Sa mga nagdaang araw, sunod-sunod na ulat mula sa mga media na malapit sa estado ng Tsina ang naglalarawan sa Beijing bilang tagapangalaga ng Scarborough Shoal, habang ang mga mangingisdang Pilipino at presensya ng Pilipinas ang ginagawang problema.

Maayos at tila siyentipiko ang tono, ngunit malinaw ang pakay: gawing normal ang kontrol ng Tsina at isantabi ang lehitimong karapatan ng Pilipinas.

“Hindi na ito bago,” sabi ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia.

“Matagal nang ginagamit ang magagandang salita para pagtakpan ang okupasyon. Nagbago lang ang bihis.

Ngayon, conservation na ang tawag.”

Batas ang Sandigan

Diretso na tayo.

Ang Scarborough Shoal ay malinaw na nasa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas.

Hindi ito opinyon o palagay. Pinagtibay ito ng arbitral ruling noong 2016.

“Hindi nababago ng magagandang salita ang legal na katotohanan,” ani Goitia.

“Hindi mo puwedeng tawaging pangangalaga ang isang bagay na wala kang karapatan.”

Ang pagturing sa Pilipinas na parang dayuhan sa sarili nitong dagat ay malinaw na pagbaluktot ng batas. Kahit anong bihis ang ibigay, ang pangangalaga sa kalikasan ay hindi kailanman kapalit ng soberanya.

Ang mga Mangingisda ay Hindi Dayo

Bago pa ang mga patrol at ulat, naroon na ang mga mangingisdang Pilipino sa mga katubigang ito.

Dito sila nabuhay at dito nila itinaguyod ang kanilang pamilya.

“Hindi pumasok ang ating mga mangingisda bilang mga lumalabag,” sabi ni Goitia.

“Ito ang dagat na kinalakihan nila at dito sila naghanapbuhay.”

Ang pagtawag sa kanila bilang ilegal ay mali. Binubura nito ang kanilang kasaysayan at minamaliit ang kanilang hanapbuhay.

Hindi Tugmang mga Pahayag

Ayon mismo sa mga ulat ng Tsina, nananatiling maayos at malusog ang bahura sa lugar.

Kung gayon, mahirap ipilit na ang Pilipinas ang sanhi ng sinasabing pinsala.

“Kung maayos ang bahura, walang batayan ang paratang,” sabi ni Goitia.

“Kung may problema man, kailangang patas ang pagsusuri at isama ang epekto ng matagal na presensya ng malalaking barko, mga blockade, at mga paghihigpit.”

Hindi puwedeng pumili lang ng sisisihin.

Ang tapat na pagsusuri sa kalikasan ay kailangang isaalang-alang ang lahat ng salik, kabilang ang tuloy-tuloy na patrol at pagkagambala sa tradisyunal na pangingisda.

Isang Kathang-Isip: Ang Pag-angkin sa Palawan

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).