22 November 2024
Calbayog City
Province

PBBM, pinaapura ang repair sa Bambang bypass road

bambang bypass road

Inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Department of Public Works and Highways na madaliin ang pag-aayos sa Bambang bypass road sa Nueva Vizcaya na nasira dahil sa bagyong Pepito.

Ginawa ni Pangulong Marcos ang utos matapos inspelsyunin ang naturang bypass road.

Partikular na nasira ng bagyo  ang unang portion na may 60 linear meters na may bitak-bitak na semento.

Nasira rin ang ikalawang bahagi ng  bypass road na  tinatayang nasa 131 linear meters.

Nasa P15.5 milyon ang  halaga ng pinsala.

Maliban sa bypass road, nasira rin ang ilang flood control project sa lalawigan.

Ayon kay Pangulong Marcos, inaaral na ng DPWH ang lawak ng pinsala.

Nais ng Pangulo na mas patibayin pa ang nasirang tulay at flood control project para hindi na masira ulit kapag may panibagong bagyo na darating sa bansa.

Sa ulat ng DPWH kay Pangulong Marcos, kabuuang 77 road sections at 32 mga tulay ang naapektuhan ng nagdaang mga bagyo sa Nueva Vizcaya.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).