NAGPAKITA ng bangis ang Barangay Ginebra sa pagsisimula ng kanilang kampanya sa PBA Season 49 Philippine Cup.
Ito’y matapos gibain ng Ginebra ang Terrafirma sa score na 101-80, sa kanilang paghaharap sa Araneta Coliseum sa Quezon City.
ALSO READ:
Filipinas, pasok sa 2027 FIFA Women’s World Cup
Pinay Tennis Superstar Alex Eala, makakasagupa si Laura Siegemund ng Germany sa pagsisimula ng kanyang Miami Open Campaign
Iran, maglalaro pa rin sa World Cup, ayon sa Asian Football body
Pinay Tennis Superstar Alex Eala, naabot ang bagong career-high No. 29
Pinangunahan ang Gin Kings ni Japeth Aguilar na nakapagtala ng 30 points, 7 rebounds, 4 blocks, at 2 assists.
Nag-ambag naman si RJ Abarrientos ng 14 points at 7 assists habang gumawa si Scottie Thompson ng 11 points, 13 rebounds at 7 assists.
Pinaghahandaan na ang Ginebra ang nakatakdang pagtutuos laban sa San Miguel, ngayong Biyernes.
