NAKAKUHA ng spot si Filipina tennis sensation Alex Eala sa Main Draw ng Dubai Tennis Championships, na nakatakdang magsimula sa Feb. 15.
Kinumpirma ng official website ng tournament ang pagkakabilang ni Eala sa Main Draw, matapos siyang unang mailista bilang qualifier.
Makakasama ng bente anyos na pinay sina Grand Slam Champions Aryna Sabalenka, Iga Swiatek, at Coco Gauff; gayundin ang top players na sina Amanda Anisimova at Mirra Andre-Eva.
Ang Dubai Championships ang final stop ng Middle East Swing ni Eala bago siya magtungo sa United States sa Marso, kung saan kabilang siya sa players list para sa Indian Wells Open.




