PATUNGO na sa Manila si Quentin Millora-Brown para makasama sa Gilas Pilipinas, sa harap ng paghahanda ng national team para sa FIBA World Cup Asian Qualifiers.
Ito ang inanunsyo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP), matapos direktang makausap si Millora-Brown at ang pamilya nito.
ALSO READ:
Karl Eldrew Yulo, pasok sa Floor Exercise at Horizontal Bar Finals sa Cairo Leg ng Gymnastics World Cup
Ranking ni Alex Eala sa WTA, bumagsak sa No. 45
Olympic women’s sport, lilimitahan sa ‘biological females’
Manny Pacquiao, nagsimula nang mag-training, limang buwan bago ang rematch laban kay Floyd Mayweather JR.
Si Millora-Brown ay nasa Japan, kung saan naglalaro siya para sa Chiba Jets, habang nagsimula na ang Gilas sa training para sa nalalapit na FIBA Window.
Sinabi ng SBP na pinahahalagahan nila ang patuloy na commitment ng Fil-Am basketball player sa national team.
Makakaharap ng Gilas Pilipinas ang New Zealand sa Feb. 26, sunod ang Australia sa March 1, at parehong gaganapin ang game dito sa Pilipinas.
