TINAMBAKAN ng New Zealand ang Gilas Pilipinas sa score na 87-70, sa pagtatapos ng kani-kanilang kampanya sa 2025 Fiba Asia Cup Qualifiers, kahapon, sa Spark Arena, sa New Zealand.
Ang Tall Black na nakatikim ng una nilang talo sa Fiba sa kamay ng Pilipinas sa second window noong nobyembre, ay bumawi at nanguna sa group sa kanilang 5-1 card.
Pinoy jet ski racers, nakasungkit ng medalya sa WGP-1 Waterjet World Cup 2025 sa Thailand
Tim Cone, pinuri ang teams ng Gilas Men and Women sa nakamit na tagumpay sa SEA Games
Team Philippines, naging matagumpay pa rin sa paglahok sa SEA Games kahit kinapos sa target
Alex Eala, nasungkit ang kanyang unang SEA Games gold medal sa Women’s Tennis
Samantala, nakapagtala naman ng dalawang sunod na talo ang pinoy cagers na may 4-2 card sa pagtatapos ng preliminaries, subalit may sigurado na silang spot sa tournament proper sa agosto, sa Saudi Arabia.
Si Justin Brownlee na gumawa ng 39 points nang makalaban ang Chinese Taipei noong biyernes ay nakapatala lamang ng 10 points kahapon, habang nag-ambag sina Chris Newsome ng 13 points at June Mar Fajardo ng 11 points.
