13 October 2025
Calbayog City
Entertainment

Kylie Padilla, inaming hindi pa siya handa nang magpakasal noon kay Aljur Abrenica

Inamin ni Kylie Padilla sa vlog kamakailan na hindi pa siya handa nang magpakasal noon kay Aljur Abrenica.

Sa interview ng kanyang tiyahin na si BB. Gandanghari, isiniwalat ng aktres ang kanyang struggles bilang single mom at ang failed marriage nila ni Aljur.

Pagbabahagi ni Kylie, hindi siya naniniwala sa kasal subalit para sumaya ang lahat ay nagpakasal sila ng aktor.

Idinagdag pa niya na ayos na sa kanya ang live-in setup nila ni Aljur kasama ang kanilang anak, dahil alam niyang ibang level of commitment ang pagpapakasal.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).