SOLONG napanalunan ng masuwerteng mananaya ang mahigit 222 million pesos na jackpot sa Grand Lotto 6/55.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), tinamaan ng lotto bettor ang winning combination na 17 – 26 – 30 – 39 – 14 at 07.
Nabatid na ang winning ticket ay binili sa isang outlet sa Grace Park, Caloocan City.
Kabuuang 222 million 993 thousand 453 pesos and 20 centavos ang jackpot prize sa draw noong Sabado ng gabi.
Samantala, wala namang nanalo sa 6.66 million pesos na jackpot sa lotto 6/42 na may winning combination na 26 – 42 – 40 – 33 – 13 at 39.