LIGTAS na nakabalik ng bansa ang siyamnapu’t siyam na mga Pinoy galing sa Kuwait.
Sa kabuuang bilang ng mga umuwi, pitumpu’t tatlo ay pawang mga OFW habang dalawampu’t anim ang kanilang dependents.
ALSO READ:
Galing sa Kuwait, bumiyahe sila via land patungong Dammam para sa kanilang flight pauwi sa Pilipinas.
Ang mga umuwing Pinoy ay sinalubong ng mga kinatawan mula sa DMW at OWWA.
Pinagkalooban sila ng agarang tulong gaya ng pagkain, transport assistance at iba pang support services.




