LULAN ng ikalawang chartered flight ng pamahalaan ay ligtas na nakauwi sa bansa ang three hundred forty-three na Pinoy galing Saudi Arabia at Bahrain.
Sa mga nakauwing Pinoy, three hundred twenty-eight ang mga Overseas Filipino Worker at labingtatlo ang mga bata.
Sinalubong sila ng mga kinatawan ng Department of Migrant Workers, Overseas Workers Welfare Administration, Department of Health, at Department of Social Welfare and Development.
Ang mga umuwing Pinoy ay agad na pinagkalooban ng tulong, kabilang ang hotel accommodation, medical check-up, pagkain at transportasyon pauwi sa kanilang mga probinsya.
Makatatanggap din ang mga OFW ng tulong pinansyal.
Samantala, maaari nang mag-apply ng loan via online ang mga Overseas Filipino Workers na umuwi sa bansa matapos maapektuhan ng krisis sa Middle East.
Ayon sa Department of Trade and Industry, bukas na para sa mga OFW ang kanilang “OFW Negosyo Fund.”
Sa ilalim ng nasabing programa, ang isang OFW grantee ay maaaring makakuha ng hanggang twenty million pesos na halaga ng loan.
Sinabi ng ahensya na maaaring ihain ang aplikasyon sa pamamagitan ng pag-download sa DTI SB Corp Money App sa Google Play o Huawei AppGallery.
Ayon sa DTI, pagkakataon ito para sa mga OFW na makapagsimula o makapagpalago ng negosyo.




