Naaresto ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group ang isang kapitan ng barangay na nahaharap sa kasong murder at frustrated murder sa lalawigan ng Samar.
Dinakip ng CIDG Western Samar Provincial Field Unit si alyas “Antonio” na incumbent barangay captain ng Brgy. Saraw, Motiong, Samar sa bisa ng Warrants of Arrest na inisyu ng Regional Trial Court Branch 29, 8th Judicial Region, Catbalogan City, Samar.
50 million pesos na DOST hub at training center, itatayo sa Leyte
DOLE, naglabas ng 19 million pesos na settlement relief sa mahigit 1,000 manggagawa sa Eastern Visayas
Mahigit 1,000 rice farmers sa Northern Samar, tumanggap ng ayuda sa gitna ng MABABANG farmgate prices
DOST, naglaan ng 600 million pesos para sa pagsusulong ng smart farming technologies
Ang kaso laban sa kapitan ay may kaugnayan sa insidenteng nangyari noon pang May 15, 2015 sa Paranas, Samar kung saan ang suspek kasama ang labingapat na iba pa ay umatake at pinaputukan ang mga troppa ng gobyerno na nagresulta sa pagkasawi ng dalawang Private First Class na sundalo ng Armed Forces of the Philippines habang sugatan ang dalawang iba.
Siyam na taon ding nagtago ang kapitan at nagpalipat-lipat sa iba’t ibang bulubunduking lugar sa Motiong, Samar bago tuluyang naaresto ng mga otoridad.
