HINIRANG bilang kauna-unahang King of Albay Ultra ang isang Calbayognon na si Schmitz Acosta sa ginanap na Ultra Marathon kahapon, March 23, 2026, sa Albay.
Ang patimpalak ay kauna-unahang ultramarathon sa Albay na nilahukan ng mga manlalaro na nanggaling sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.
ALSO READ:
PNP Eastern Visayas, naglunsad ng libreng sakay sa gitna ng transport strike
Calbayog LGU, pinaplantsa na ang mga paghahanda para sa Visita Iglesia 2026
Kagawad, dead on the spot matapos pagbabarilin, 2 suspek arestado sa hot pursuit operation ng Lope de Vega MPS
Komprehensibong hakbang upang mapagaan ang epekto ng pagsipa ng presyo ng petrolyo, aprubado na sa Northern Samar
Tinapos ni Acosta ang karera sa tagal na halos sampung oras na pagtakbo. Itong bilis na ito ang magiging pamantayan sa susunod nilang idadaos na karera.
Ang pagkapanalo ni Acosta ay karangalan hindi lang sa kanyang sarili at pamilya kundi karangalan na rin sa buong Calbayog.
