SINIMULAN na ng Philippine Ports Authority (PPA) ang rehabilitasyon sa Carigara Port sa Leyte upang matugunan ang structural issues at maibalik sa operational capacity.
Ayon kay Carigara Mayor Eduardo Ong Jr., naglaan ang PPA ng 20 million pesos para sa repairs, na inaasahan nilang matatapos sa loob ng anim na buwan.
Tinukoy ang Carigara Port bilang potential alternative route para sa mga sasakyang bumibiyahe sa pagitan ng Leyte at Samar o Matnog.
Nagbabala ang PPA na ang pagdaan ng mabibigat na sasakyan ay maaring pagpalala sa pinsala, dahilan kaya agad na ikinasa ang rehabilitasyon.




