ANIM pang natitirang pulis mula sa PNP Drug Enforcement Group – Special Operations Unit (PDEG-SOU) Region 4A na umano’y sangkot sa pagnanakaw at panggagahasa sa labing walong taong gulang na online seller sa Bacoor, Cavite ang sumuko sa mga awtoridad.
Sinabi ni PDEG Acting Director Brig. Gen, Elmer Ragay na personal siyang nagtungo sa PDEG Regional Office noong Huwebes para pangasiwaan ang pagsuko ng at-large suspects.
Ang anim na police officers, kasama ang walong naunang sumuko, ay dinala sa PDEG headquarters kung saan sila pormal na kinasuhan ng Robbery in Band at Rape.
Nahaharap din ang mga ito sa mga kasong administratibo sa National Police Commission (NAPOLCOM).




