DINAKIP ng joint investigative team ng Cambodian at South Korean police ang dalawampu’t anim na suspek bunsod ng umano’y online scams at sex crimes, target ang South Korean citizens, ayon sa Korean Presidential Office.
Sa briefing, sinabi ni Blue House Spokesperson Kang Yu-Jung, na natuklasan ng bilateral task force na nakapangikil ang mga suspek ng 26.7 billion won o 18.25 million dollars mula sa 165 South Koreans sa pamamagitan ng online scams.
ALSO READ:
Mahigit 30, patay matapos bumagsak ang crane sa pampasaherong tren sa Thailand
Prosecutors, hiniling na sentensyahan ng kamatayan si Dating South Korean President Yoon
Iran, nagbantang gaganti kapag umatake ang US sa gitna ng ginagawang pagkontrol sa mga nagpo-protesta
2 ‘shadow fleet’ tankers na iniugnay sa Venezuelan oil, kinumpiska ng US
Nagpanggap umano ang mga suspek na pulis o financial regulators upang makapanlinlang ng mga biktima.
Gumamit din ang mga suspek ng mga babaeng biktima para sa pagre-record ng sex videos at mga litrato para ipakalat.
