NAGPALABAS ng subpoena ang House Justice Committee para maisumite ang SALN ni Vice President Sara Duterte noong panahong mayor siya ng Davao City at ngayong siya ay Vice President.
Sa botong 34-1 inaprubahan ng komite ang mosyon ni Manila Third District Rep. Joel Chua para sa pag-iisyu ng subpoena duces tecum.
Ipinasusumite ng Justice Committee ang SALN ni VP Sara para sa mga taong 2007 to 2013, 2016 to 2022 at 2022 to 2025.
Inaprubahan din ng panel ang pagpapalabas ng subpoena para sa mga video na hawak ng NBI na nagpapakita ng pagbabanta umano ni VP Sara laban kina Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., First Lady Liza Araneta Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez.
Inisyuhan din ng subpoena si Atty. Michael Poa na nagsilbing chief of staff at undersecretary ni VP Sara noong siya pa ang DepEd Secretary.




