INANUNSYO ni French President Emmanuel Macron na naghahanda ang France at kanilang mga kaalyado para sa “purely defensive” mission.
Sa pamamagitan ito ng pag-escort ng mga barko na dadaan sa Strait of Hormuz, sa sandaling kumalma na ang “most intense phase” ng bakbakan ng US at Israel laban sa Iran.
ALSO READ:
13 katao patay, halos 2,000 sugatan sa mga pag-atake ng Iran sa Israel
Mahigit 40, patay sa air at ground operations ng Israel sa Lebanon
Iran, ipinagpaliban ang funeral ceremony para sa nasawing supreme leader dahil sa patuloy na pambobomba sa bansa
US, magpapadala ng mga eroplano para i-evacuate ang kanilang mamamayan mula sa Middle East
Sinabi ni Macron na “purely escort mission” ang dapat paghandaan ng European at non-European countries.
Binigyang-diin ng French president na layunin ng plano na ma-eskortan ang mga container ships at tankers habang unti-unting binubuksan ang Strait of Hormuz, pagkatapos ng kaguluhan.
