MULA sa Alert Level 0 o normal ay itinaas ng Phivolcs ang status ng Bulkang Bulusan sa Alert Level 1 o Low-Level Unrest.
Sa inilabas na Volcano Bulletin ng Phivolcs, ito ay dahil sa serye ng volcanic earthquakes na naitatala sa Bulusan simula pa noong March 16, 2026.
Umabot na sa kabuuang four hundred seventy-five volcanic earthquakes ang naitala ng Bulusan Volcano Network na karamihan ay mahihinang volcano-tectonic earthquakes lamang.
Naobserbahan din ang ground deformation sa bulkan na indikasyon ng pamamaga sa western at southeastern flank nito.
Pinaalalahanan ng Phivolcs ang local government units at ang publiko na bawal ang pagpasok sa loob ng 4-kilometer radius Permanent Danger Zone ng Mt. Bulusan.
May mga posibilidad kasi ng volcanic hazards gaya ng pyroclastic density currents o Uson, ballistic projectiles, rockfall, at ashfall.




