25 February 2026
Calbayog City
National

FPRRD, hindi na rin dadalo sa Feb. 27 Hearing ng ICC

IPINAABOT ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court na hindi na nito nais dumalo sa pagdinig ng International Criminal Court sa kaniyang kaso sa February 27.

Sa waiver na pirmado ng dating pangulo, sinabi nito na iparating sa kaniya ng legal team na gaganapin ang annual hearing para i-review ang kaniyang pagkakakulong.

Bagaman alam niyang may karapatan siyang dumalo sa pagdinig, nais na niyang i-waive ang kaniyang karapatan.

Sinabi ng dating pangulo na naipaliwanag naman ng kaniyang defense team ang legal consequences ng hindi niya pagdalo.

Tiwala umano siya sa kaniyang legal team para kumatawan sa kaniya sa nasabing pagdinig.

Dagdag pa ng pangulo, ayaw na rin niyang subaybayan ang pagdinig kahit pa sa pamamagitan ng online o iba pang communications technology.

Samantala, sa ikalawang araw ng pagdinig ng International Criminal Court sa kaso ni Dating Pangulong Rodrigo Duterte nagpatuloy ang paglalahad ng prosekusyon ng kanilang mga ebidensya.

Sa kaniyang presentation, ilang video ni FPRRD ang ipinakita ni ICC Trial Lawyer Edward Jeremy para patunayang galing mismo sa bibig ng dating pangulo ang mga utos ng pagpatay at ang pagtiyak nitong poprotektahan niya ang mga awtoridad.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.