PINAIGTING ng Philippine Army ang pursuit operations laban sa mga natitirang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa San Jorge, Samar, kasunod ng naganap na engkwentro kamakailan.
Ayon sa 8th Infantry Division (8ID), layunin ng pursuit operations na agad matukoy ang kinaroroonan ng mga rebelde at hindi na sila mabigyan ng pagkakataon na muling mabuo o magtatag ng bagong posisyon.
ALSO READ:
Ipinatupad din ng militar ang karagdagang security measures upang matiyak ang kaligtasan ng mga kalapit na komunidad.
Noong Martes ay naglunsad ang tropa ng 3rd Infantry Battalion ng search operations laban sa mga rebelde kasunod ng sagupaan sa Barangay Cagtoto-og sa San Jorge.
Wala namang naiulat na casualties sa bahagi ng pamahalaan.




