IDINEKLARA ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang Food Security Emergency sa bigas, batay sa rekomendasyon ng mula sa National Price Coordinating Council.
Sa statement, sinabi ni Tiu Laurel na ang deklarasyon ay magbibigay daan sa pag-release ng rice buffer stocks ng National Food Authority (NFA) upang ma-stabilize ang presyo at matiyak na mananatiling accessible sa mga consumer ang bigas na pangunahing pagkain ng milyon-milyong pilipino.
ALSO READ:
Goitia nilinaw ang isyu sa umano’y ₱1.7 Trilyong “Market Wipeout”
2 pang barko ng BFAR, winater cannon ng China Coast Guard malapit sa Pag-asa Island – PCG
DOJ, hindi pa rin kuntento sa impormasyon mula sa mga Discaya kaugnay ng Flood Control Scandal
Kaso ng Influenza-Like Illnesses, mas mababa ngayong taon – DOH
Una nang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na layunin ng naturang deklarasyon na piliting maibaba ang presyo ng bigas matapos gawin ng pamahalaan ang lahat ng paraan.