PINABULAANAN ng provincial at local officers sa Biliran ang kumakalat sa social media tungkol sa umano’y expansion ng Biliran II Geothermal Project.
Sinabi ni Governor Rogelio Espina na walang inihaing application for permits sa Provincial Capitol na may kaugnayan sa Geothermal Project.
ALSO READ:
Eastern Visayas, target i-update ang SDG Catch-up Plan
Supersonics Taekwondo Athlete Roivy Cabrillas, nasungkit ang gintong medalya sa nagpapatuloy na EVRAA 2026 sa Baybay City
Mahigit 900 katao, nasugatan dahil sa aksidente sa kalsada sa Region 8 sa unang 2 buwan ng taon
DPWH, humahanap ng pondo para sa ‘Grand Canal’ sa Tacloban matapos hindi paglaanan ngayong 2026
Inihayag naman ni Caibiran Mayor Rhodessa Delante-Revita na hindi bagong proyekto at nananatiling non-operational ang Biliran Geothermal Inc.
Idinagdag ng alkalde na walang isinagawang drilling sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon simula noong 2019.
