IPAGPAPATULOY ng Senate Blue Ribbon Committee ang kanilang hearing sa flood control projects sa Jan. 19, ala una ng hapon.
Ayon kay Senator Panfilo “Ping” Lacson, Chairman ng Komite, tatalakayin nila ang napaulat na retraction nina Dating DPWH Bulacan Engineers Henry Alcantara at Brice Hernandez.
Aniya, pag-uusapan nila sa Komite ang consequences o kung may plano ang mga dating DPWH engineer na bawiin ang kanilang sinumpaang salaysay sa Blue Ribbon.
Idinagdag ni Lacson na lilinawin ng Komite sa Department of Justice (DOJ) kung nagsumite ang dating DPWH engineers ng counter affidavit sa kanilang testimonya.
Ipinaalala ng senador na posibleng maparusahan ng perjury ang mga dating inhinyero ng DPWH kapag binawi nila ang kanilang sinumpaang salaysay.




