Maaga nang nagpaabiso ang Cebu Pacific para sa kanselasyon ng domestic flights sa Nov. 9 at 10 dahil sa inaasahang epekto ng bagyong Uwan.
Labingdalawang biyahe ng Cebu Pacific ang kanselado sa November 9 na pawang biyaheng Cauayan, Tuguegarao at Virac.
ALSO READ:
Habang sampung biyahe din ng CebGo ang kanselado na sa nasabing petsa.
Sa November 10 naman labingwalong biyahe ng Cebu Pacific ang kanselado na din.
Para sa mga pasahero na mayroon nang naka-schedule na biyahe ngayong araw, Nov. 8 papayagan din sila ng airline company na ipa-rebook na lang ang kanilang biyahe.




