BUMABA sa 2.03 million ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho noong Mayo mula sa 2.06 million noong Abril, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Batay sa pinakahuling Labor Force Survey, sinabi ni PSA Undersecretary Claire Dennis Mapa, na bumagsak sa 3.9% ang Unemployment Rate noong Mayo mula sa 4.1% noong April 2025 at May 2024.
Dahil dito, umakyat sa 96.1% ang Employment Rate mula sa 95.9% noong April 2025 at May 2024, at katumbas ng 50.29 million na Employed Individuals.




